Para sayo ‘to...
Para sa mga taong nasaktan, para sa mga taong pinagpalit at iniwan, para sa mga taong pinaasa at muling binalikan kaso hindi pinanindigan, para sa mga taong akala nila sila lang ang mahal pero may kasalo pa lang iba, para sa mga taong ginawa lahat kahit nagmukhang tanga, para sa mga taong tinitiis ang bawat kirot, sakit at luha. Para sa mga taong hindi makausad at maka-move on, para sa mga taong ibinuhos na ang lahat kaso mas pinili silang itapon…
Para Sayo 'to Sarili
“Saludo ako sa pagiging martir mo. Harap-harapan ka nang niloloko pero pilit mong binabalewala kasi mahal mo. Saludo ako sa patuloy mong pagkapit kahit siya, tuluyan ng bumitaw. Saludo ako sa patuloy mong pag-asa sa mga parabulang pinangako niya sayo. Saludo ako sa patuloy mong pananaginip patungkol sa istorya niyong dalawa. Saludo ako sa pagbubulag-bulagan mo sa katotohanan na niloloko ka lang niya. Saludo ako sa pagiging matatag mo at pagiging manhid. Saludo ako sayo kaso, tama na. Mahal mo siya pero nasasaktan ka na. Mahalin mo rin ang sarili mo, bitaw na"
By: Jarwin S. Bognot
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento